Announcements

Status Quo on 110V Disconnection

Nagpatawag muli ang Sangguniang Panglungsod sa pangunguna ni Bise-Alkalde Aquilino “Jong” Cortez Jr. kasama ang ibang mga konsehal, mga concerned citizens sa pangunguna ni Mr. Gerardo Cruz ng Batang Gapo People’s Organization at mga representatives ng Olongapo Electricity Distribution Company, Inc. sa pangunguna naman ni Engr. Bonifacio A. Rana Jr., VP for Engineering and Customer Services Divisions noong Oktubre 04, 2017 tungkol sa OEDC 110V disconnection sa lungsod ng Olongapo.

Ang isa sa naging paksa ay ang pagpuputol ng OEDC ng 110V connection sa lungsod. Ipinaliwanag ni Engr. Rana ng OEDC ang mga kadahilanan ng pagtatanggal ng 110V connection ng OEDC:
1. Ito ay alinsunod sa Distribution Services and Open Access Rules sa Resolution No.02, Series of 2010 Section 1.7.6 na ang standard nominal voltage sa Pilipinas ay 230V.
2. Ito ay para sa pampubliko na interes sa kadahilanang ang paggamit ng 110V ay may epekto sa billing rates ng lahat ng konsyumers. May epekto ito sa System Loss at may karagdagang halaga para sa inventory items na isa sa pinagbabasehan ng billing rates na ipapataw sa mga konsyumers nito.
3. Ito ay para din sa safety ng mga konsyumers ng OEDC na maaaring mapagpalit ang koneksyon ng 230V at 110V na maaaring maging dahilan ng pagkasira o pagkasunog ng kanilang mga kagamitan.

Ipinahayag naman sa panig ng Sangguniang Panglungsod at ng mga konsyumers ng OEDC na dumalo sa pulong na iyon ang natatanging sitwasyon sa Olongapo – ang pagkakaroon ng 110V connection simula ng ang base military ng mga Kano ay itinayo sa Subic Bay Freeport Zone at sa hanggang ngayon ay kasalukuyan pa ding ginagamit ng ibang mga residente sa lungsod ng Olongapo.

Sa huli ay napagkasunduan ng Sangguniang Panglungsod ng Olongapo at ng OEDC na ang usaping ito ay iakyat sa Energy Regulatory Commission (ERC) upang makuha ang opinion nito.

Habang hinihintay ang desisyon ng ERC, nagkasundo ang magkabilang panig sa “Status Quo” sa ilalim ng mga sumusunod na kondisyon:
• Ipagpapaliban muna ng OEDC ang pagpuputol sa mga may kasalukuyang active 110V connections;
• Sa mga new connection applications ng OEDC ay hindi na talaga tumatanggap ng 110V connections;
• Kung ang pagpapalit ng transformer ng OEDC ay sa kadahilanang ito ay lubhang kailangan na, marapat na maipaalam muna ng OEDC ito sa mga konsyumers na may 110V connections na maaapektuhan.

October 17th, 2017|

Latest News

Load More Posts

Filter by Location

Power Interruption

Power Interruption – Wed, May 29, 2019

Important Notice to OEDC Customers Subject: Scheduled Power Interruption on Wednesday, May 29, 2019 DATE: Wednesday, 29 May 2019 TIME : 08:00 AM to 05:00 PM (9 hours) REASON: TO FACILITATE THE REPLACEMENT OF DETERIORATED PRIMARY WOOD POLES [...]

0 Comments
Load More Posts

Subscribe For Updates







Select an Option