Announcements

OEDC Official Statement on Bill Deposit

Ang pamunuan ng Olongapo Electricity Distribution Company, Inc. (OEDC) ay nais ipagbigay-alam sa mga konsyumers nito ang pagbabago sa naunang nailabas na anunsyo tungkol sa implementasyon ng pagkolekta ng Bill Deposit (BD).
 
Bilang konsiderasyon at pagpapahalaga sa interes ng mga konsyumers, minarapat ng OEDC na sa halip na singilin ng BD ang mga kasalukuyang konsyumer na hindi nakapagbayad sa araw o bago ang araw ng kanyang due date ng kanyang November Bill (Billing Period – November 14 onwards), ang magiging batayan ng pagkolekta ng BD ay:
• Ang sinumang konsyumer/kustomer na hindi pa nakapagbayad ng BD noon at naputulan lamang ng koneksyon at gustong magparekonek.
 
Ang implementasyon ng BD ay ipatutupad pa rin simula sa darating na November Bill (Billing Period – November 14 onwards) at sa mga susunod pang mga billings.
 
Ang kanyang BD ay base pa din sa actual average monthly bills sa nakalipas na labindalawang (12) buwan. Ang BD ay isasama sa kanyang babayaran kung siya ay muling magpapakabit ng serbisyo ng kanyang kuryente.
 
Para sa karagdagang impormasyon at katanungan maaaring bisitahin ang mga opisina ng OEDC o tumawag sa numero bilang (047) 222-9410.
 
Maraming salamat po.
October 17th, 2017|

Latest News

Load More Posts

Filter by Location

Power Interruption

Power Interruption – Wed, May 29, 2019

Important Notice to OEDC Customers Subject: Scheduled Power Interruption on Wednesday, May 29, 2019 DATE: Wednesday, 29 May 2019 TIME : 08:00 AM to 05:00 PM (9 hours) REASON: TO FACILITATE THE REPLACEMENT OF DETERIORATED PRIMARY WOOD POLES [...]

0 Comments
Load More Posts

Subscribe For Updates







Select an Option