Announcements

Public Notices

Load More Posts

OEDC Extended ECQ Advisory

Frequently Asked Questions:

1. Mayroong naipabalita sa telebisyon, radyo at social media tungkol sa libreng kuryente para sa mga consumers, maibibigay po ba ito ng OEDC?
Ang napabalitang libreng kuryente ay bahagi ng ‘Pantawid Liwanag’ program ng National Electrification Administration (NEA) at ng Philippine Rural Electric Cooperatives Association, Inc. (PHILRECA). Sa programang ito nakapaloob ang pagkakaloob ng mga electric cooperatives tulad ng ZAMECO nang libreng kuryente para sa mga lifeliner na kumokonsumo ng 50kWh pababa.
Dahil ang OEDC ay isang private distribution utility at hindi isang electric cooperative, ibig sabihin nito ay hindi sakop ang OEDC nang programang ito.
Ang kabuuang detalye po ng ‘Pantawid Liwanag’ program ay mababasa sa link na ito: https://www.facebook.com/notes/national-electrification-administration/on-the-implementation-of-the-pantawid-liwanag-program/2252820718360231/

2. Kung sakaling hindi kami agad makapagbayad ngayong panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ), kami ba ay mapuputulan?
Ang pagpuputol o meter disconnection ay pansamantalang sinuspinde habang ang buong Luzon ay nasa ilalim ng ECQ.
Gayunpaman, lubos na hinihikayat pa rin ang mga consumers na may kakayahan at nakapaglaan na nang pambayad para sa electric bill na magbayad na upang hindi maipunan nang mga bayarin. Ito ay malaking tulong sa OEDC at sa buong electric industry upang patuloy na makapagbigay nang maayos na serbisyo sa mga mamamayan ng Olongapo City.

3. Anong konsiderasyon ang maibibigay ng OEDC sa panahon ng ECQ bilang tulong sa mga mamamayan ng Olongapo City?
Alinsunod sa direktiba ng Energy Regulatory Commission (ERC), ang mga may electric bills na may due date simula March 16 hanggang April 30, 2020 na hindi mababayaran sa loob nang panahon na ito ay walang penalty, interest o surcharge. Bukod pa rito, magkakaloob ang OEDC nang hanggang apat (4) buwang installment payment scheme para sa mga nasabing bayarin.

4. Kung ako ay may karagdagang katanungan o kaya ay may emergency, anong numero ang pwede kong tawagan?
Para sa anumang katanungan o concerns, tumawag lamang sa aming hotline number na bukas 24/7.
Landline Numbers:
047 222 9410 | 047 222 0889
047 222 1979 | 047 222 0013
Smart: 0920 974 8462 | Globe: 0917 861 5020

April 20th, 2020|

Filter by Location

Power Interruption

Load More Posts

Subscribe For Updates







Select an Option